Ang Emergency Operations Center ng Anchorage ay ang sentrong punto kung saan ang lahat ng lokal na kagawaran at ahensiya ng Munisipalidad ay nag-uugnay sa pagtugon sa anumang malaking kalamidad sa Munisipalidad ng Anchorage.
Ang Emergency Operations Center ng Anchorage ay ang pasilidad kung saan ang lahat ng miyembro ng Pangkat ng Pagtugon sa Emerhensiya ay nag-uugnay sa pagtugon sa malalaking kalamidad sa Munisipalidad ng Anchorage. Matatagpuan sa gilid ng kabayanan ng Anchorage, ang Emergency Operations Center ay nagbibigay ng work space para sa mga kasosyo ng Anchorage sa pagtugon sa emerhensiya mula sa lokal na pamahalaan, non-profit na organisasyon, at iba pang entidad. Ang Emergency Operation Center ay maaari ding mapatakbo nang virtual.
Ang pangkat ng Pagtugon sa Emerhensiya ng Anchorage ay binubuo ng mga miyembro mula sa iba't ibang Kagawaran ng Munisipalidad, non-profit at pribadong organisasyon na may nakatalagang tungkulin sa mga operasyong pang-emerhensiya. Ang Pangkat ng Pagtugon sa Emerhensiya ay handang mag-staff sa Emergency Operations Center 24 na oras sa isang araw para sa tagal ng emerhensiya o kalamidad.